Lolong mangangalakal, dala ang mga alagang aso sa kalsada

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2018 11:39 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nauna nang nag-viral sa social media ang larawan ng isang matandang lalaking nangangalakal na kasama ang kaniyang mga alagang hayop.

Ayon kay Thomas Francisco, nagsimula siyang mag-ampon ng aso matapos niyang makakita ng asong nasagasaan.

Mula sa isang aso, umabot na sa pito ang alaga ni Mang Thomas.

Bagama't may bahay sa Caloocan City, mas pinipili ni Mang Thomas na ikutin ang buong Quezon City dala ang kaniyang mga alaga habang nangangalakal o nagre-repair ng mga payong.

Sa tulong ng "Rated K," dinala sa beterinaryo ang mga alaga ni Mang Thomas para mapatingnan ang kanilang kalagayan. - Rated K, August 12, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.