VIRAL: Batang nag-aaral kahit maulan, inulan ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 09:34 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nag-viral sa social media ang isang Grade 3 pupil na patuloy sa pag-aaral kahit umuulan nang malakas.

Sa video, makikita si Lorensalie Elaine Dolfo na pilit na nagtataklob dahil sa lakas ng ulan at hangin para makapag-aral.

Nag-viral ang video na ito na kuha noong Hulyo 5 ni Bayan Patroller Rolando Villanueva.

Walang sariling bahay at sa bangketa sa M.H. Del Pilar Street, Malate, Maynila naninirahan ang pamilya.

Namamasada ng pedicab ang kaniyang mga magulang. Pero kahit madalas silang kapusin sa budget, pursigido si Lorensalie na makapagtapos ng pag-aaral at nangangarap na maging duktor.

“Ang pagaaral ay nakakatulong sa mga bata,” sabi niya.

Matapos mag-viral ang video, ibinalita ni Villanueva na marami ang nagbigay-tulong pinansiyal kay Lorensalie at sa kaniyang pamilya.

Isang grupo din ng mga duktor ang nagpahiram ng apartment para pansamantalang tirahan ng pamilya ng bata.

May video din ang Bayan Patroller na sinamahan niyang namili sa isang mall ang bata at kaniyang ina ng mga gamit sa bahay at sa eskuwelahan. – Umagang Kay Ganda, 1 August 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.