Dancing pulis, nais maibalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 12:31 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patok ngayon sa social media ang mga video ng tinaguriang ‘Dancing Police’ ng Ilocos Norte.

Binansagan ang 27-anyos na si PO1 Jomar Dakiwag na "gwapulis" ng mga kabaro sa Ilocos Norte Police Provincial Office dahil bukod sa kasipagan sa trabaho, pambato rin umano ito sa dancefloor.

Bilib ang mga netizen kay Dakiwag na mas kilala na ngayon bilang "The Dancing Police."

Alay ni Dakiwag ang kanyang latest video sa kanyang high school batchmates. 

Bata pa lang si Dakiwag ay dancer na ito.

Pampa-good vibes sa mga kasamahan ang dancing videos ni Dakiwag.
    
Ito umano ang munti niyang paraan para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis. -Umagang Kay Ganda, Abril 18, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.