PANOORIN: Pagkalusaw ng buhawi sa Iligan

dzmm

Posted at Oct 27 2016 04:05 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng cellphone video ng isang Bayan Patroller ang pamumuo at paglusaw ng isang buhawi sa dagat malapit sa Barangay Acmac, Iligan City kahapon.

Kwento ni Bayan Patroller Jessie Francisco Daniel, nagtuturo siya ng sayaw sa barangay gym nang mapansin ang pagbuo ng tatlong magkakasunod na buhawi habang umuulan.

Natakot daw siya na baka tumama ito sa baybayin kung saan sila nakatira pero mabilis din naman itong nawala.