Bagsik ni 'Karen', nakunan ng Bayan Patrollers

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2016 09:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakunan ng ilang Bayan Patroller ang bagsik ng Bagyong Karen.

Sa mga padala ni Bayan Patroller Victor Manrique Periarce sa Baler, Aurora, kita ang baha sa kanilang lugar. Wala ring kuryente sa kanilang lugar.

Nakunan ni Bayan Patroller Aldrin Taule ang nagliparang yero sa Baler. Nabuwal din ang ilang puno.

Nakunan ng isang hindi pa nagpapakilalang Bayan Patroller ang mga bumagsak na puno sa San Luis, Aurora.

Sa kuha naman ng Bayan Patroller na ayaw nang magpakilala, kita ang isinasagawang clearing operations sa landslide sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Sa kuha naman ni Bayan Patroller Arthur Padilla, kitang lubog na sa baha ang mga palay sa Rosario, La Union.

Sa kuha naman ni Bayan Patroller Dondon Matampac, kita rin ang hagupit ng bagyo sa Iba, Zambales.

Nakunan naman ni Patrick Josh Valisno ang flashflood sa Bustos, Bulacan.

Hindi naman madaanan ang Sapang Buho Bridge sa Nueva Ecija sa kuha ni Bayan Patroller Queen de la Cruz.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, October 17, 2016