Isinako, ginapos: Nawawalang binatilyo, natagpuang patay sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 10:20 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Natagpuan sa sapa ang bangkay ng isang menor-de-edad sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakasilid pa sa sako ang naaagnas na katawan ng binatilyong nakagapos ang mga kamay nang makita ng mga nangangalakal ng basura sa Barangay Gaya-Gaya.

Kinilala ng kanyang mga magulang ang biktimang si Michael Angelo Remecio, 16.

Ayon sa mag-asawang sina Dionisio at Genevie, Agosto 26 nang hindi na umuwi ang anak mula sa pamamasada ng tricycle buong gabi.

Bagamat umiinom at naninigarilyo ang anak, hindi umano ito gumagamit ng droga.

Nagsasagawa na ng DNA test ang Bulacan Police Provincial Office para matiyak ang pagkakakilanlan ng binatilyo. – Umagang kay Ganda, 14 September 2017