Bata, sugatan matapos ihampas ng ama sa sahig

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 01:22 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagsisisi ang isang karpintero matapos niyang saktan ang kanyang tatlong taong gulang na anak sa Vigan City.
    
Inihampas niya sa sahig ang bata dahil sa kalasingan at galit sa kanyang misis.

Inilabas na sa Intensive Care Unit ang bata na nagtamo ng matinding sugat sa ulo.

Sinasabing na-apektuhan ang kanyang bungo at dinugo umano ang utak.

Kakasuhan naman ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and children Act ang suspek.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang misis ng suspek. – Umagang kay Ganda, 13 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.