Mga residente, bahagyang nagkagulo nang dumating ang relief goods

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 09:19 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bahagyang nagkagulo nang dumugin ng mga residente ang relief goods na dinala ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Office at militar sa bayan ng Marantao na malapit sa Marawi.

Mabilis na ibinaba at itinago sa controlled area ang relief goods dahil agad dumagsa ang mga residenteng apektado rin ng gulo.

Hindi kasi makalabas ng Marantao ang mga residente dahil kakailanganin pa nilang dumaan sa Marawi kapag nagkataon.

Para makaiwas sa anumang aberya, dumiskarte na lang ang PSWD sa pamamahagi ng relief goods.

Ayon sa PSWD, patunay ito na hindi lang Marawi ang nangangailangan ng tulong

Pinag-aaralan ngayon ng militar at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang ibang ruta na madadaanan ng mga sibilyan dahil hanggang ngayon, patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.