Mag-asawa, patay sa salpukan ng kotse at jeep

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 07:59 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang buntis at kaniyang mister sa salpukan ng kotse at jeep sa Brgy. Tubuan Dos, Silang, Cavite nitong madaling araw ng Sabado, Hulyo 15.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Silang PNP, papuntang Tagaytay ang kotse nang bumangga ito sa kasalubong na jeep.

Naipit sa loob ng kotse ang mag-asawang sakay nito. Tinukoy ang mga nasawing biktima na sina Francis Toledo, cameraman ng isang TV network, at misis niyang si Jonina Toledo na apat na buwang buntis.

Naulila ng mag-asawa ang tatlong anak nila.

Sugatan sa insidente ang drayber ng jeep, pati ang kaniyang misis, at tiyahin.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang drayber ng jeep.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.