Huli sa CCTV: 3 empleyado arestado sa pagnanakaw sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 09:05 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Arestado ang 3 empleyado sa pagnanakaw sa pinapasukan nilang car decal shop sa Quezon City.

Sa kuha ng CCTV sa DonEuro Car Foil Manila, makikitang umakyat sa kanilang kuwarto ang mga stay-in na suspek, ngunit bumalik din sila sa baba.

Makikitang sumesenyas ang isa sa mga suspek na si Raynel Olino sa 2 nitong kasamahan. Pinatay pa nila ang ilaw sa pag-aakalang hindi makikita ng CCTV ang gagawing krimen.

Inilabas ni Lawrence Bernabe, isa pang suspek, ang isang rolyo ng car sticker na nagkakahalagang P30,000 hanggang P40,000.

Dinala nito ang car sticker sa gate kung nasaan nag-aabang si Olino.

Inamin ng mga suspek ang pagnanakaw at sinabing balak nilang ibenta ang car sticker sa halagang P2,500 kada panel.

Itinuturong mastermind sa pagnanakaw si Raymond Olino na limang araw nang hindi pumapasok sa trabaho.

Haharap sa kasong qualified theft ang mga suspek, na ikinulong sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2.

- Umagang Kay Ganda, ika-14 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.