Mga 'Province of China' banner, pinaiimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 04:59 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bumungad sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ang mga tarpaulin na may mga salitang "Welcome to the Philippines, Province of China." Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino o anong grupo ang nagkabit nito. Tila pangungutya ito sa polisiya ng pamahalaan sa mismong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa kaso laban sa China sa isyu ng South China Sea. Giit naman ng MalacaƱang, walang isinusukong teritoryo ang gobyerno sa China. I-Bandila mo, Anjo Bagaoisan. - Bandila, Huwebes, 12 Hulyo, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.