Luzon, Visayas magiging maulan, ayon sa PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 08:38 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang buong Visayas at halos buong Luzon sa Huwebes, ayon sa PAGASA.

Dahil ito sa southwest monsoon o habagat at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o kaulapan na dulot ng pagtatagpo ng hangin mula sa hilaga at timog malapit sa equator.

Kabilang ang Metro Manila sa mga makakaranas ng pag-ulan kasama ang mga rehiyon ng Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Caraga, gayundin ang lalawigan ng Aurora.

Iiral namana sa nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawiring may pulo-pulong pag-ulan.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

DZMM TeleRadyo, 13 Hulyo 2017