TINGNAN: Bilyong pisong halaga ng pekeng produkto, nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 09:53 AM | Updated as of Jun 19 2017 09:54 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakumpiska ng Bureau of Customs ang bilyong pisong halaga ng mga pekeng produkto sa factory sa Barangay Table, Guiguinto, Bulacan.

Kabilang sa mga nasamsam dito ang mga pekeng brand ng shampoo, conditioner, sabon, bigas at gasul.

Ayon sa Customs, sa packaging pa lang masasabi na agad na peke ang mga produkto dahil may secret features ang mga orihinal na brand na wala sa mga ito.

Dagdag pa ng Customs, kadalasang ibinabagsak sa mga probinsya at ibinebenta ng mas mababa ng 30 hanggang 40 porsiyento kumpara sa orihinal na presyo ang mga pekeng produkto.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 19 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.