SAPUL SA CCTV: Motorcycle rider patay matapos magulungan ng trak

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 12:02 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang motorcycle rider matapos mabangga at magulungan ng mixer truck sa Imus, Cavite.

Dead on the spot ang biktimang si Edward Ragudo dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Sa kuha ng CCTV, nakitang sumingit ang motorsiklong minamaneho ng biktima sa kaliwa ng trak. Tiyempo namang umusad na ang trak kaya nabangga ang biktima na pumailalim pa sa trak.

Arestado ang driver ng trak na si Jessie Paran na nakalaya matapos makapag-piyansa. Makikipag-areglo na rin umano siya sa pamilya ng biktima.