SAPUL SA CCTV: 10-wheeler truck, inararo ang mga tricycle, tindahan

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 11:47 AM | Updated as of Jun 19 2017 02:08 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Anim ang patay kabilang ang 2-taong gulang na batang babae matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang pila ng tricycle at hilera ng tindahan sa Taytay, Rizal.

Sa kuha ng CCTV, kita ang mabilis na pagtakbo ng trak. Dumiretso ito at tumama sa isang puno bago sumampa sa bangketa. Humambalos naman ang likurang bahagi at tumama sa mga tricycle na nakaparada sa terminal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang trak at sinubukan ng driver na si John Paul Teston na iwasan ang mga sasakyan pero nawalan umano siya ng kontrol.

Humingi ng tawad and driver sa mga kaanak ng mga biktima, pero nahaharap pa rin siya sa patong-patong na kaso.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, June 19, 2017