PANOORIN: MIAA guards, armado ng matataas na kalibre ng baril

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 08:57 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Armado na ng matataas na kalibre ng armas ang mga security personnel sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Manila International Airport Authority o MIAA general manager Ed Monreal, walang banta sa paliparan.

Iniutos ni GM Monreal ang pagbibigay armas sa mga security personnel ng NAIA kasunod ng bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng teroristang Maute group sa Marawi, at ng pag-atake ng lone gunman sa Resorts World Manila, na kumitil ng buhay ng tatlumpu't pitong empleyado at guests.

Ayon kay Monreal, isa ito sa precautionary measures ng ahensya.

Ang mga private security na kinomisyon ng MIAA ay armado na ng shotguns, automatic machine guns at high-powered rifles.

Sinusunod na rin nila ngayon ang buddy system.

Ibig sabihin, ang bawat security personnel ay may katuwang o laging kasama sa pagbabantay.

Bukod sa mga security personnel, regular ding nag-iinspect ang mga bomb-sniffing dog para siguruhin ang kaayusan sa paliparan.

Umagang Kay Ganda, June 19, 2017