Bata sugatan matapos atakihin ng unggoy

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 09:55 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang 7-anyos na bata matapos atakihin ng unggoy sa tabing dagat ng Balatan, Camarines Sur.

Nagtamo ng sugat sa ulo, braso, likod at paa ang bata.

Ayon kay Leopoldo Bermas, may-ari ng unggoy, nagsisilbing bantay ito ng kanyang floating cottage sa dagat.

Payag naman si Bermas na ibigay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang unggoy lalo't nanakit na ito.

Isasailalim naman sa quarantine ang unggoy sa wildlife conservation sanctuary.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 19 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.