Paypay pa more! Tindi ng tag-init, maaari pang tumaas - PAGASA

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 11:19 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Wala pa sa kalagitnaan ng panahon ng tag-init ang nararanasan ng bansa, ayon sa weather bureau PAGASA.

“Papunta pa lang tayo ng kalagitnaan ng summer so wala pa tayo sa pinaka-peak. So maaring tumaas pa ito,” sabi ni weather forecaster Gener Quitlong sa DZMM nitong Martes ng umaga.

Sa Metro Manila, naitala kahapon ang maximum temperature sa Quezon City sa 34.6 degrees Celsius, habang umabot sa 36.8 degrees Celsius sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at 36.6 naman sa Sangley Point sa Cavite.

“Ito yung temperature na nakuha natin sa instrumento pero ‘pag pinagsama mo yung relative humidity para makuha mo yung heat index, itong nararamdaman natin sa Metro Manila maaaring umabot sa 37 hanggang 38 degrees Celsius,” paliwanag ni Quitlong.

Samantala, ang Tuguegarao (38.8 degrees Celsius), Cabanatuan (38.0) at NAIA (36.8) ang tatlong pinakamainit na mga lugar na naitala ng PAGASA kahapon.

- DZMM, 8 May 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.