Tulong para sa Carranglan crash victims, paparating

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 01:14 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa Sabado na ibibigay ng Passenger Accident Management and Insurance ang P200,000 na assistance sa mga namatayan kaugnay sa aksidente sa Carranglan, Nueva Ecija. Base naman sa imbestigasyon ng Nueva Ecija Philippine National Police, lumalabas na pumutok ang kanang gulong sa unahang bahagi ng bus kaya nawalan ng kontrol ang driver nito. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Huwebes, 20 Abril 2017