Huli sa CCTV: Panloloob sa bahay sa Paranaque subdivision

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2017 12:04 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakunan ng CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa isang bahay sa Parañaque City. Makikitang umakyat sa bakod ang kawatan. Nagpalakad-lakad ito na tila naghahanap ng mapapasukan, hanggang sa nagawa niyang buksan ang isang sliding window ng bahay. Ayon sa Bayan Patroller na nagpadala ng CCTV video, tulog silang lahat nang pasukin ng magnanakaw. Natangay nito ang isang bag na naglalaman ng may P45,000. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Martes, 11 Abril 2017