Bayan Patrollers, dinokumento ang pinsala ng lindol sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 08:43 AM | Updated as of Apr 10 2017 04:47 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagbagsakan ang ilang bato sa bahagi ng Basilica of Saint Martin of Tours sa Taal, Batangas dahil sa lindol noong Sabado ng hapon.

Sa video na kuha ni KC Merina, naglabasan ang mga tao dahil sa lakas ng lindol na yumanig sa lumang simbahan.

Matatandaang bumagsak din ang mga bato sa Taal Basilica nang tamaan ito ng lindol noong Martes.

Samantala, sa video na ipinadala ni Bayan Patroller Jester Pagkaliwagan, bumigay naman ang bahagi ng kisame ng kanilang bahay dahil sa lindol. 

Sa mga kuha naman ni Bayan Patroller Dhon Calda, kitang nagsilabasan ang mga empleyado ng Divine Word College sa Calapan, Oriental Mindoro dahil sa pagyanig. -Umagang Kay Ganda, Abril 10,2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.