Kampo ni VP Leni, tinanong kung ano'ng kinalaman sa pederalismo ng pagbuwag sa OVP

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2018 08:57 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo, 80 taon na ang Office of the Vice President (OVP) at noon lamang rehimeng Marcos nawalan ng pangalawang pangulo ang bansa. Sa inilabas na pahayag ng OVP, tinanong nila kung ano'ng kinalaman ng pagbuwag sa OVP sa pagsulong ng pederalismo? Ito'y kasunod ng pahayag ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na sa ilalim ng isinusulong na charter change sa Kongreso, mabubuwag na sa taong 2019 ang OVP. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol Weekend, Linggo, 14 Enero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.