Political ads sa mga PUV, pinayagan na

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2015 08:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ilang buwan bago ang eleksyon sa Mayo, naglipana na ang political advertisments ng mga kandidato, pati na sa mga pampublikong sasakyan.

Dating ipinagbawal ang pagpapaskil ng mga political ads sa mga public utility vehicles (PUVs), pero pinapayagan na ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator.

Ito'y matapos na ring ibasura ng Supreme Court ang pasya ng Commission on Elections (Comelec) na ipinagbabawal ito.

Pero hati naman ang opinyon ng publiko ukol dito.

Nakatutulong man ang mga political ads para matandaan ang mga kandidato, sa huli, nasa kamay pa rin ng mga botante ang kapangyarihan kung sino ang iluluklok sa pwesto.

- Umagang Kay Ganda, 29 Disyembre 2015