K-pop group na Momoland, sinorpresa ang isang fan

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 11:41 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv
Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi inasahan ng 17-anyos na si Cendy Estrada na personal niyang makikita ang K-pop group na Momoland.

Dalawang taon nang iniinda ni Cendy ang kaniyang sakit na leukemia. Ayon sa kaniya, parang nakakadagdag sa kaniyang lakas ang pakikinig sa mga K-pop songs.

Dahil dito, libangan rin ni Cendy ang pag-aaral sa mga sayaw ng Momoland. Isa siya sa maraming mga fans na nag-upload ng kanilang mga video habang sumasayaw sa mga sikat na kantang "Bboom Bboom" at "Baam."