MayWard, KissMarc, sumabak sa 'Mukha Mo' challenge ng 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2017 12:18 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Game na game na sumabak sa "Mukha Mo" challenge ng "Umagang Kay Ganda" (UKG) ang mga bida ng pelikulang "Loving In Tandem" na sina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin at Marco Gallo. 

Nitong Huwebes, napuno ng saya ang set ng "UKG" nang hamunin ang dalawang love team na ipakita ang angkop na mukha sa partikular na sitwasyon. 

Bumisita sa "UKG" sina Maymay, Edward, Kisses at Marco para imbitahan ang mga manonood na suportahan at panoorin ang kanilang pelikulang "Loving In Tandem" na palabas na sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.