Modelo mula Caloocan, wagi sa 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 06:02 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA – Tinalo ng fashion model mula Caloocan City na si Aerone Mendoza ang single mom mula Bohol na si Nabela Gudito sa "Tawag ng Tanghalan" nitong Sabado.

Pinabilib ni Mendoza ang mga hurado ng kompetisyon sa bersyon niya ng "Paminsan Minsan" ni Richard Reynoso.

Binigyan siya ng mga hurado ng iskor na 93.8%, mas mataas kumpara sa nakuha ni Gudito na 88.6%.

Babalik si Mendoza sa Lunes para depensahan ang kanyang titulo at subuking makapasok sa semifinals.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.