Maymay at Edward, bibida sa 'Wansapanataym'

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 10:51 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bibida ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber sa "Wansapanataym."

Kinumpirma ang bagong proyekto nina Maymay at Edward ni John Salut ng Dreamscape Entertainment.

Sa kanyang Twitter, ibinahagi niya ang retrato ng sikat na Kapamilya love team.

"Ikaw Ang Ghost-O Ko" ang titulo ng "Wansapanataym" episode nina Maymay at Edward na ididirehe ni Jerry Lopez Sineneng.

Umagang Kay Ganda, Hulyo 13, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.