KathNiel, sabik na sa pagsisimula ng 'La Luna Sangre' sa Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 09:21 PM | Updated as of Jun 18 2017 01:30 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Non-stop ang pag-iikot ng KathNiel para sa pagsisimula ng 'La Luna Sangre', ang pangatlong sa 'Lobo-Imortal series'. Sabik na rin ang dalawa sa pagsisimula nito sa Lunes.

Bukod sa romance, may halong aksiyon na rin ang gagawin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Nang tanungin kung magpapaalam na ba sila sa kanilang sweet image, ani Daniel, "Hindi naman kasi may rom-com pa rin ito, so may balance pa rin,"

"We're very excited kasi mapapanood nila sina Ms. Angel Locsin, John Lloyd Cruz, at Richard Gutierrez sa pilot week," sabi ni Kathryn.

Sa suot ni Bernardo, kapansin-pansing humuhubog na ang kanyang abs na epekto ng masinsing physical training. 

Ikinatuwa naman ng dalawa ang paglabas ng 'blood moon' noong Biyernes, na tila nakisabay sa excitement ng fans.

"Nakita ko 'yun kagabi. Siyempre, natuwa ako kasi nakisama pati 'yung buwan," ani Padilla.

Mapapanood ang 'La Luna Sangre' simula sa Lunes, pagkatapos ng 'FPJ's Ang Probinsyano'.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.