Higit 15 estudyante sa Iloilo, 'sinapian' ng masamang espiritu

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 08:36 AM | Updated as of Jul 14 2017 08:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sinaniban umano ng masamang espiritu ang higit 15 estudyante sa isang paaralan sa Banate, Iloilo.

Isinugod sa ospital ang ibang sinasabing sinapian matapos mahilo. Sinuspinde rin ang klase sa paaralan dahil dito.

Kuwento ng isa sa mga diumano'y sinapian, mahaba ang buhok ng masamang espiritu.

Paniniwala ng isa sa mga guro, may kinalaman sa itinatayong senior high school building ang pagsanib sa mga estudyante.

Banggit naman ng prinsipal ng paaralan, magpapamisa sila kada buwan at magdarasal na bago simulan ang mga klase.

Hinimok naman ng pari na ipagdasal ang mga estudyante, magbalik-loob na, at ihinto ang mga bisyo.

- Umagang Kay Ganda, ika-14 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.