UFO? Kakaibang liwanag, nakita sa Isabela, Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2017 12:08 PM | Updated as of Jul 04 2017 07:07 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Usap-usapan sa social media ang matinding liwanag na nakita ng ilan sa kalangitan ng Isabela at Cagayan.

Umani ito ng mga espekulasyon kabilang na ang mga hinalang ito ay isang drone o di kaya ay isang unidentified flying object (UFO). Pero may iba namang nagsasabing isa itong palpak na rocket launch.

Ano nga ba ang paliwanag sa matinding liwanag na nakita sa mga nasabing probinsiya? Narito ang ulat ni Danielle Rebollos.--Umagang Kay Ganda, Hulyo 4, 2017, Martes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.