Security Bank, may scheduled system maintenance

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 12:35 PM | Updated as of Apr 21 2017 03:52 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nag-abiso ang Security Bank para sa kanilang mga customer na agahan ang kanilang mga transaksyon sa bangko ngayong araw dahil magkakaroon sila ng scheduled system maintenance.

Pansamantalang matitigil ang ilan sa kanilang mga serbisyo simula bukas Sabado alas 3 AM- 4AM.

Kabilang sa hindi gagana ang pag-transfer ng pera sa ibang account gamit ang online banking.

Limitado rin ang cash withdrawals sa mga ATM pati ang paggamit ng debit at ATM cards.

Sa Linggo naman, mula alas 8AM-4PM pansamantala ring hindi makakapag-withdraw ng pera o magagamit ang debit at ATM cards para sa online o store purchases.

Hindi rin muna magagamit ang online phone at mobile banking pati na ang iba pang serbisyo kaugnay sa deposits ng Security Bank. -Umagang Kay Ganda, Abril 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.