3 instant milyonaryo sa Ultra Lotto, 6/42 lotto draw

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2017 05:38 AM | Updated as of Sep 06 2017 07:09 AM

May tatlong instant milyonaryo sa lotto draw Martes ng gabi.

Dalawa ang nakasungkit ng P256.8 million jackpot sa Ultra Lotto matapos tumama sa mga winning combination na 03-27-17-12-20-06.

May isa ring nanalo sa higit P44-million jackpot prize sa 6/42 National Lotto. Ito'y matapos masungkit ang mga winning combination na 42-39-05-29-06-12.

Pero wala pang nananalo sa Super Lotto. Aabot sa P216 million ang hindi pa rin nakukuha dahil walang tumama sa mga winning combination na 36-15-11-03-26-46.

Dahil diyan, posibleng umakyat pa ang jackpot prize sa susunod na bolahan sa Super Lotto.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.