Durian Festival, isinabay sa Kadayawan sa Davao

Che Che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 10:17 PM

DAVAO CITY - Pormal na binuksan nitong Biyernes ang ika-anim na Durian Festival sa Davao City kasabay ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival.

Matitikman sa labas ng isang mall sa Lanang, Davao City ang iba't ibang variety ng durian.

Karamihan sa mga durian ay galing sa mga plantasyon sa Barangay Sirib sa Calinan, Tugbok, at Baguio sa Davao City.

"Ito yung pride natin sa Davao City, kapag nag-imbita tayo, sasabihin nating 'Tara sa Davao! Kain tayo ng durian,'" ayon kay Larry Miculob.

Sa ngayon, mabibili sa murang halagang P60 kada kilo ang durian. Pwede ring eat-all-you-can durian sa halagang P199 kada tao.

May 90 porsiyento ng supply ng durian sa buong bansa ang galing sa Davao City.

Kada Agosto, ipinagdiriwang ng mga Dabawenyo ang Kadayawan festival bilang pagpapasalamat ng masaganang ani.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.