'Tawag' Grand Finals, patok sa netizens

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 08:43 PM | Updated as of Jun 02 2018 08:45 PM

Usap-usapan sa social media nitong Sabado ang huling tapatan ng mga kalahok sa "Tawag ng Tanghalan" ng It's Showtime.

Nanguna sa Worldwide trending topic sa Twitter ang hashtag #TNT2HuLingTapatan na umabot sa daan-daang libo ang tweets.

Napabilib ng mga kasali sa kompetisyon maging ang ilang mga celebrity na hindi napigilang i-tweet ang kani-kanilang mga reaksiyon.

Pinag-usapan din ng mga netizen ang itinanghal na kampeon at tubong-Cebu na si Janine Berdin na naging trending topic din nationwide.

Narito ang ilan sa nakatutuwang tweets ng mga netizen:

Bukod kay Berdin, kabilang sa mga nagpasiklaban sa grand finals ng patimpalak sina Reggie Tortugo, Ato Arman, Anton Antenorcruz, Arabelle dela Cruz, at Steven Paysu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.