'Dancing correctional officer' ng Iwahig, bida sa Puerto Princesa

Cherry Camacho, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2017 04:08 PM | Updated as of Apr 18 2017 06:48 PM

PUERTO PRINCESA CITY - Kilala ngayon sa Puerto Princesa City ang isang correctional officer ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) matapos mag-viral ang kanyang video habang sumasayaw kasama ang mga inmate.

Ayon kay CO1 Ritchie Canja, hilig niya ang pagsayaw at ginagamit niya itong alternatibong ehersisyo.

Limang taon na sa serbisyo si Canja, na miyembro ng Escorting Unit at Emergency Response Unit sa Iwahig.

Ayon sa kanyang mga kasamahan, masipag at mapagkakatiwalaan si Canja.

Maayos rin ang pakikitungo nito sa mga inmates.

Binigyan ng Bureau of Corrections ng certificate of recognition si Canja para sa kanyang kontribusyon sa turismo ng Iwahig.

Kilala ang Iwahig Prison and Penal Farm bilang "prison without bars." Mayroong mahigit 2,500 na inmates sa penal farm.