Payo ng PBA commissioner kay Terrence: Mag-iingat ka

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 11:37 PM

Dahil sa kasikatan, hindi maiwasang makakuha ng atensyon ni Terrence Romeo. PBA Media Bureau

MAYNILA -- Nagpaalala si PBA Commissioner Willie Marcial kay Terrence Romeo na mag-ingat matapos masangkot na naman sa gulo ang Talk 'N Text star.

Napasok sa gulo ang Gilas player nang magkaroon ng rambulan sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Nagpaliwanag naman daw si Romeo tungkol sa nangyari.

"Kaninang hapon, tinanong ko kung anong nangyari. Ang sabi nga niya, 'Com, nandoon lang ako nakaupo. Bigla akong tinapik sa dibdib." Tumingin siya, sabay in-arm lock siya, pumalag siya, pumiglas siya," kwento ni Marcial sa mga reporter. "Umiwas siya, Nang umaawat siya, nagkagulo na."

"Nagpuntahan sila sa presinto, nagkaayos sila kasi humingi ng tawad kay Terrence. Nagpa-sorry daw kay Terrence. Sabi naman ni Terrence na 'sige, okay na.'"

Ani Marcial nagbigay payo siya sa dating FEU Tamaraw lalo't isa na siyang kilalang basketbolista.

"Kinausap ko na mag-ingat ka sa mga ganoong sitwasyon, halos parang celebrity na ang dating niya," sabi ni marcial. "Okay naman daw."

Kamakailan lang isa si Romeo sa mga Gilas players na nakipagsalpukan sa Australian team sa 2018 FIBA World Cup qualifiers.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)