MPBL: Ray Parks Jr., nag-sorry matapos bumanat sa tawagan ng foul

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 06:39 PM

Nag-sorry si Ray Parks Jr. nitong Miyerkoles matapos magbitiw ng mga maaanghang na salita sa unang laban ng Mandaluyong El Tigre sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Matapos siyang tawagan ng 4 na personal fouls sa talo ng El Tigre kontra Muntinlupa Cagers nitong Martes, tila di niya napigilang mag-komento sa mga pito ng referee.

“We got a lot of learning to do, (but) I’ll be honest — they don’t want me in this league,” ani Parks, dating MVP ng UAAP at ASEAN Basketball League.

“I want to make that statement for tomorrow or whatever, but yeah I’m saying it — they don’t want me in this league.”

Mukhang binawi naman ni Parks ang naunang mga banat niya.

"It takes a real man to apologise for his actions. So ill be a man and own up and say sorry," ani Parks sa Twitter.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.