PANOORIN: Warriors at Thunder, nagkainitan

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2017 11:19 AM

Uminit ang labanan ng Golden State Warriors at Oklahoma City Thunder nang magkatulakan at sigawan sila Stephen Curry at Semaj Christon sa second quarter ng kanilang laro.

Kinailangang paghiwalayin sila Curry at Christon, subalit lalong lumala ang sitwasyon nang dumamay sila Klay Thompson at Draymond Green ng Golden State, at sila Russell Westbrook at Taj Gibson ng OKC.

Dahil sa insidente, tinawagan ng technical foul sila Curry, Green, Westbrook, at Christon.

Mukhang hindi naman na-apektuhan ng pangyayari si Curry, na tinirahan ang Thunder ng isang three-pointer sa huling segundo ng second quarter.

"I saw a little time left on the clock, I threw it up, and thankfully it went in," sabi ni Curry tungkol sa kanyang tira.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.