Pamilya ng Fil-Am na natangay ng tubig sa ilog, umaasa pa rin

ABS-CBN News

Posted at May 19 2017 03:17 PM

Finding Ray from Nina Rose Leyco Nicholson on Vimeo.

Hindi nawawalan ng pagasa ang pamilya ng Filipino-American na tinangay ng malakas na pag-agos ng tubig mula sa American River sa California.

Nakuhanan pa ng video ng mga kaibigan ni Ray Cabalfin ang pagkakatangay sa kanya ng tubig matapos na tumalon sa ilog.

“I was shocked. I was hurt. I couldn't look at the video for the second time. For me not to be there, it was hard. I couldn't help him no matter how,” ayon sa ina ni Ray na si Maria nang makapanayam ng Balitang America kamakailan.

Hindi agad napagbigay-alam sa pamilya Cabalfin ang pangyayari.

“I was mad, of course, at his friends, but still it wouldn’t do any good at this time. I just wanted to look for him and find him,” sabi ng kanyang ina.

Nagtungo si Ray at ang kanyang mga kaibigan sa Lake Clementine trail sa Auburn at tumalon ito sa ilog malapit sa Clark’s Pool, isang popular na swimming hole.

“So far, my communication with the rangers have been a lot better than the first 24-hours,” ayon kay Gng. Cabalfin. 

Patuloy din umanong binibigyan sila ng update hinggil sa proseso ng paghahanap sa kanyang anak.

Para sa kanila, search and rescue pa rin ang ginawa nila para mahanap si Ray.

“Whatever our goal is, the main word there is search. We are trying to do our best to augment that search that they're doing,” pahayag niya. - Ulat ng Balitang America

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.