5 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 12:22 PM

Limang katao ang nasaktan sa karambola ng limang sasakyan Huwebes ng umaga sa Antipolo City.

Agad dinala sa pagamutan ang mga nasugatan na ngayon ay nasa ligtas na kalagayan.

Naganap ang aksidente sa intersection ng Circumferential Road at ML Quezon Street.

Dalawang SUV, isang kotse at dalawang tricycle ang sangkot sa aksidente. Isa sa mga SUV ang tumagilid pa.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng awtoridad kung sino ang may sala sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.