Pagbaha sa Koronadal, 150 na pamilya naapektuhan

Francis Canlas, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 04:21 AM

Francis Canlas, ABS-CBN News

KORONADAL CITY - Binaha ang pitong sitio ng Barangay Saravia sa lungsod na ito simula ngayong Linggo hanggang Lunes.

Ayon kay barangay kagawad Benjamin Dalimbang, wala namang naiulat na nasaktan sa pagbaha.

Lubos na apektado ng baha ang Sitio Cabuling. Nasa 150 na pamilya ang namemeligro dahil itinuturing silang nakatira ngayon sa danger zone.

Kabilang din sa apektado ng baha ang community learning center na may mahigit 30 na estudyante sa kindergarten at Grade 1. 

Nanganganib na gumuho ang bakod nilang kawayan dahil kinalkal ng baha ang ilalim na bahagi nito.

Bukod sa silid-aralan, nasira din ng baha ang daanan ng Barangay Saravia.

Ayon sa mga residente, nag-umpisang mamerwisyo ang baha sa kanilang komunidad noong Setyember 15. Lumalala lang ito sa dalawang araw na pagbaha sa kanilang lugar. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.