ASEAN music fest, inihinto dahil sa tulakan, gitgitan

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 01:49 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Biglang tinapos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Music Festival nang magkatulakan sa concert na idinaos sa Ayala Triangle Gardens sa Makati Martes ng gabi.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pasado alas-7:30, habang tumutugtog ang bandang 'Parokya ni Edgar', sumugod umano patungo sa stage ang maraming manonood. 

Kasunod nito, ilang manonood ang dinala sa ambulansiya dahil nahirapang huminga. May iba ring dinala sa command center ng event dahil sa panghihina.

Nilapatan ng paunang lunas ng Department of Health ang ilang nahimatay.

Nakiusap pa ang music fest organizers sa mga naroon na huwag magtulakan at ayusin ang kanilang hanay para magpatuloy ang concert.

Pero bandang alas-10, nagdesisyon na ang ang organizers na tuluyang kanselahin ang music fest.

Ayon kay Chief Supt. Tomas Apolinario, district director ng Southern Police District (SPD), hindi nila inasahan ang dami ng pupunta sa venue. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa taya ng SPD, mahigit 15,000 ang dumagsa sa libreng concert.

Photo by: Annil Villanueva

-- Ulat nina Fred Cipres at Gretchen Ho, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.