1 hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Agusan

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 04:37 PM

SAN LUIS, Agusan del Sur - Isang hinihinalang miyembro ng New People's Army ang patay matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at sundalo dito sa bayan, Martes.

Ayon kay Lt. Col. Rommel Pagayon, kumander ng 26th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakuha mula sa bangkay ng 'di pa nakikilalang rebelde ang isang M14 rifle at isang AK47.

Natagpuan din malapit sa bangkay ang 6 na backpack, isang 2-way radio, mga gamot, at mga subersibong dokumento, ani Pagayon.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa naibababa mula sa bundok ang bangkay ng napaslang dahil maputik at matarik ang lugar.

Nakikipag-ugnayan na ang mga sundalo sa ilang residente sa mga malalapit na barangay para makilala ang napatay na lalaki, ani Pagayon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.