Van nagliyab sa karambola sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 09:01 AM

MANILA - Nagliyab ang isang closed van matapos makabanggaan ang 2 pang sasakyan sa North Luzon Expressway, Biyernes.

Dakong alas-7:40 nagkarambola ang van, truck at isa pang kotse sa southbound lane malapit sa Shell of Asia, ayon sa NLEX Traffic Management Office. 

Agad namang naapula ang sunog at naitabi ang mga naaksidenteng sasakyan sa emergency lane. 

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente. Hindi pa rin tiyak kung ilan ang nasugatan dito. 

Nagpadala na ng NLEX patrol crew para manduhan ang trapiko sa lugar.

Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.