Tigil pasada sa Oktubre 16-17, kasado na; klase sa Makati, suspendido

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 02:20 PM | Updated as of Oct 13 2017 02:51 PM

Kasado na ang dalawang araw na tigil pasada ng grupong Piston sa Lunes at Martes (Oktubre 16-17).

Ito ay bilang pagtutol sa phase out ng mga lumang pampasaherong jeep dahil sa modernization program ng Department of Transportation.


Sinabi ng presidente ng Piston na si George San Mateo na makikilahok sa kilos protesta ang ilang transport groups mula sa Cagayan, Pampanga, Laguna, Camarines Norte at Mindanao. 

Kung matutuloy umano ang phase out, mapipilitan ang mga driver at operator na bumili ng jeepney unit na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Walang pasok

Kasabay ng nakatakdang tigil pasada, nag anunsiyo ang lokal na pamahalaan ng Makati na wala silang pasok sa Lunes.

 

Bukod sa Makati, sinuspinde na rin ang klase sa Davao City dahil sa malawakang tigil pasada. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.