Kilo-kilong maruming karne kinumpiska sa Balintawak Market

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 12:34 PM | Updated as of Oct 13 2017 01:16 PM

MANILA - Nasamsam ang 200 kilo ng marumi o sirang karne sa surprise inspection ng Balintawak Market sa Quezon City, Biyernes.
 
Wala namang nakita ang National Meat Inspection Service na "botcha" o double dead meat pero maraming nakitang paglabag sa mga regulasyon sa paghawak ng mga karne.

Nakita ang ilang karne sa sahig habang ang iba ay hindi nakalagay sa container o chiller, ayon kay Dr Rolando Marquez, team leader ng NMIS. Maaari aniyang masira ang mga karne dahil sa mga naturang paglabag.

Dagdag ni Marquez, ilang vendor din ang magbebenta ng liver o atay na may parasite o uod na pwedeng malipat sa katawan ng kakain nito.

Ilang paninda rin aniya ang nakalatag sa karton na mabilis pamahayan ng bacteria.
 
Binigyan lang muna ng warning ang mga tindera at pinayuhan silang maglinis ng stall lalo’t magpa-Pasko na at maraming bibili ng karne. Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.