Kasalan, nauwi sa pamamaril dahil umano sa 'rido'

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 04:42 PM | Updated as of Oct 13 2017 07:43 PM

Nauwi sa trahedya ang isang kasalan sa Cotabato City matapos pagbabarilin ang dating kapitan ng barangay na ama ng babaeng ikinasal.

Pinagbabaril si Hadji Nasifh Abdullah Sampiano habang palabas ng mosque matapos ang kasal ng anak.

Rido o away-pamilya ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima na kapitan dati sa Balabagan, Lanao del Sur.

Sugatan naman ang dumalo sa kasalan na si Abil Gampong Balindong na nadamay sa pamamaril.

Dahil sa bilis ng pangyayari at pagkakabulabog ng mga tao sa mosque, agad na nakatakas ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.