Cardinal Vidal isinugod sa ospital

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2017 06:19 PM

Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal. File photo

MANILA - Isinugod sa ospital si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal matapos makaranas ng cardiac arrest nitong Biyernes.

Kinumpirma ng kaniyang personal na doktor na si Rene Bolicer na dinala sa intensive care unit o ICU ng Perpetual Succor Hospital sa Cebu City si Cardinal Vidal Biyernes ng hapon.

Nito lamang Mayo ay isinugod rin sa ospital si Cardinal Vidal dahil naman sa pagsusuka na maaaring nag-ugat sa kaniyang pneumonia.

Noong 2014 pa pabalik-balik sa ospital si Cardinal Vidal dahil sa pneumonia.

-- Ulat mula sa DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.