#WalangPasok: Oktubre 12, Huwebes

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 08:38 AM

MANILA - Walang pasok sa mga sumusunod na lugar dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong "Odette," Huwebes.

Lahat ng antas

  • Almeria, Biliran
  • Caibiran, Biliran
  • Kawayan, Biliran
  • Naval, Biliran

Pre-school hanggang senior high school

  • Cagayan

Magdadala ang Bagyong Odette ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa loob ng 350-kilometrong diameter nito, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa layong 730 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, alas-3 ng umaga. Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong nasa 65 kph.

Nakataas ang signal number 1 sa Cagayan, Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.