Lalaki, arestado sa buy-bust sa QC

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 07:38 AM | Updated as of Oct 08 2017 09:36 AM

MANILA - Arestado ang isang 19-anyos na binatilyong nagtutulak umano ng droga sa buy-bust operation ng pulisya sa harap ng isang bahay sa Liberty Ave., Brgy. Socorro, Quezon City, Sabado ng gabi.

Nahulihan si Justin Guzman ng 4 na plastic ziplock na naglalaman ng dahon ng hinihinalang marijuana. Tatlo sa mga ito ay nakasuot sa baywang niya.

Ayon kay Supt. Louis Tremor, hepe ng QCPD Station 7 sa Cubao, dati nang nahuli si Guzman noong 2015 sa kasong illegal drugs.

Minanmanan uli siya at ang mga kabarkada niya ng mga pulis ilang linggo bago isinagawa ang operasyon.

Ayon kay Tremor, online ang bentahan ng suspect ng marijuana. Makikipag-usap siya at ang customer sa pamamagitan ng internet ukol sa order at kung saan magkikita.

Online din nakipag-ugnayan ang suspek at ang impormante ng pulis na nagbigay ng order para sa droga.

Kasong paglabag sa anti-illegal drugs act ang haharapin ni Guzman.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.